PAHAYAG SA “IT’S SHOWTIME”

Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspinde ang “It’s Showtime” sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito. 

Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas. At habang nakabinbin ang Motion for Reconsideration, ang desisyon ng suspension ng programa ay hindi pa pinal at epektibo. Kaya sa ngayon ay patuloy nyo pong mapapanood ang “It’s Showtime.”

Patuloy rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang “It’s Showtime” sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People. 

Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa “It’s Showtime.”

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button