‘Your Moment’ 2nd Placer Verse Band naglabas ng awitin

Debut single nilang 'Let’s Talk About Love' isinulat ni Nyoy Volante

Nagkaroon na ng debut single ang grupong Verse Band na unang nakilala sa singing category ng reality talent competition na “Your Moment” at nagwagi nilang 2nd place.

Kamakailan ay inilunsad na ng grupo ang kanilang unang kanta na isang pop rock song na may titulong “Let’s Talk About Love” sa ilalim ng DNA Music, ang rock/alternative label ng ABS-CBN.

Isinulat ni Nyoy Volante ang kanta na siya ring nagsilbing mentor ng banda noong napasama sila sa “Your Moment,” naglalahad naman ng positibong mensahe ang awitin na tumutukoy sa iba-ibang posibilidad na naiisip ng isang tao kasama ang nagpapakilig o nagpapa-ibig sa kanya.

Hango sa pangalan ng kanilang ama na si Virgilio o Daddy Verse ang pangalan ng banda. Binubuo ang Verse Band ng magkakapatid na sina Nisha Bedaña (vocals), Jade (drums), at Benok (guitar) na nanggaling sa isang pamilya ng musikero.

Sa kasalukuyan, kabilang ang grupo sa artists ng talent management ng ABS-CBN na Polaris. Napapanood naman si Nisha bilang isa sa hosts ng “It’s Showtime Online Universe.”

Pakinggan ang “Let’s Talk About Love” ng Verse Band at panoorin ang lyric video nito sa DNA Music YouTube channel.

Para sa updates sa musika ng Verse Band, sundan ang DNA Music sa Facebook (facebook.com/dnamusicph) at sa Twitter at Instagram (@dnamusicph).

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button