“Kadenang Ginto” Pumalo ng 800 million views sa YouTube

Patuloy ang pamamayagpag ng “Kadenang Ginto” at walang sawang suporta ng manonood at nanggigigil sa mga eksena sina Beauty Gonzales, Francine Diaz, Andrea Brilliantes, at Dimples Romana. Ito’y nananatiling sinusubaybayang serye sa hapon at walang sawang pinag-uusapan sa social media.

Sa datos ng Kantar Media patuloy na pumapalo sa all-time rating na 27.3% at nananatili sa 20.0%-mark. Maliban sa telebisyon, halos umaabot sa 800 million views sa daily highlights nito sa Youtube online world kung saan halos bawat video ay umaabot 1 million views.

Itong buwan ng Abril pilit na hinahabol ang mga past episodes ng serye ang most watched ng iWant kung saan pumalo ng humigit kumulang sa 1.5 million views araw-araw. Iba’t-ibang memes ang nagsusulputan at ginagaya tungkol sa serye na kinatuwaan ng mga netizens. Isang vlogger (Kyo Quijano) ang nag upload ng caricature set na ‘Kadenang Tanso’ at ito’y pumalo sa 1 million views sa dalawang episodes.

Ang “Kadenang Ginto” ay patuloy na namamayagpag, kaya naman kinilala at tumanggap ng parangal bilang Best Daytime Drama Series sa 2019 Golden Laurel Awards ng Lyceum of the Philippines- Batangas dahil sa husay ng mga nagsisiganap nito.

Marami pang pasabog ang matutunghayan sa istorya na ikagugulat ng maraming manonood tuwing hapon sa makapigil hininga ng serye. Makapagbibigay din ng panibagong panlasa ang pagpasok ng dating “PBB Otso” housemate na si Seth Fedelin sa eksena.

Dahil sa tinatamasang katagumpayan ng “Kadenang Ginto” inilunsad ng Dreamscape Entertainment ang “The Gold Squad” na binubuo ng apat na teenagers na sina Francine, Kyle, Seth, and Andrea na ibat-ibang pinagmulan, kinalakihan, at pinagdaanan sa buhay. Sari-saring proyekto at kabilang dito ang sarili nilang album na malapit ng irelease sa ilalim ng Star Music, ang ilulunsad ng “The Gold Squad” na magdadala ng saya at makaka-relate lalung-lalo na ang mga millenials fans.

Bukod sa “The Gold Squad” marami paring pasabog at awayang makikita sa teleserye ngayong tuluyan ng ibinasura ang kaso laban kay Romina (Beauty) at babawiin niya ang iniwang kayamanan ni Robert (Albert Martinez). Dahil dito hindi hahayaan ni Daniela (Dimples) na magkagayon gagawin at gagawin ang lahat upang mawala sa landas ang mortal nyang kaaway. Ang alitan nila ay magdudulot ng galit kay Marga (Andrea), kaya ibubunton niya ang galit kay Cassie (Francine) at ipapamukha na wala siyang karapatan na kahit ultimong centimo sa yaman mga Mondragon. Saan hahantong ang alitan ng mag-iinang Mondragon.

Courtesy of ABS-CBN Entertainment

Subaybayan at panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa karagdagang inpormasyon click lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button