Manood sa iWant Gamit ang GRABREWARDS Points without ADS!

Manood sa iWant Nang Walang ADS Gamit ang GRABREWARDS Points

Maaari nang ma-enjoy ng mga gumagamit ng Grab ang panonood sa iWant nang tuloy-tuloy at walang ads gamit ang naipon nilang GrabRewards points.

Sa Grab app, makakapili ang users ng promo na gusto nilang gamitin para makuha ang iWant premium access. Maaaring ito’y isang araw (katumbas sa 105 GrabRewards points) o pitong araw (405 points) para makapanood ng iWant original shows at movies, mga paboritong ABS-CBN programs, Pinoy movies, mga dokumentaryo at balita, mga laro, pati na premium content gaya ng bagong mga pelikula.

Magagamit ang GrabRewards points sa iWant app at website hanggang Agosto 31. Para matubos ang reward, hanapin ang napiling promo sa Rewards catalogue ng Grab at i-click ang Redeem. Pagkatapos, buksan ang iWant app, i-click ang My Account > Redeem, ilagay ang Grab code sa Voucher, at i-click ang Process Payment.

Buwan-buwan, nadadagdagan ang mapagpipiliang panoorin sa iWant nang libre. Ngayong Marso, ekslusibong ipinapalabas dito ang sexy romcom ni Roxanne Barcelo na “Fluid” at ang mystery thriller na “The Tapes” nina Yassi Pressman at Sam Milby.

Samantala, pasiglahin ang usapan sa Viber gamit ang iWant Originals stickers tampok ang mga linya mula sa “Glorious,” “MOMOL Nights,” “Call Me Tita,” “Past, Present, Perfect,” “Taiwan That You Love,” “Abandoned,” at “Septic Tank 3.” Maaaring i-download ang libreng pack mula sa Viber Sticker Market.

Panoorin ang mga kapanapanabik na originals gamit ang GrabRewards sa iWant app o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH, at sumali sa Viber Community ng iWant.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button