Magkakabarkada sa Pagbabalik ng Team YeY Season 4

Aarangkada ang Team YeY Season 4 at makakasama dito ang mga bagong kabarkadang sina Kaycee, Omar Uddin, Marco Masa, at Xia Vigor.
Sa “Team Yey” ang mga kabataan ay may pagkakataong matuto at paglinangin ang sarili.

Tuwing Lunes, mahuhubog ang galing sa galaw at pagsayaw kasama sina Nhikzy Calma, JC Gumacal, at Orange Bilgera sa “Galaw Go”; tuwing Martes naman, matutong gumawa ng pagkaing kaaya-ayang kainin kasama sina Sophie Reola, Lady Pipay, at ang bagong ka-YeY na si Xia Vigor para sa “Snaks Naman”; kapag Miyerkules, sagot na nina Jana Agoncillo, Hannah Lopez Vito, at Althea Guanzon ang paglikha ng arts at crafts mula sa iyong imahinasyon sa “Artstig”; sa Huwebes, makilaro at makisaya ng ng iba’t-ibang palaro at isports kasama sina JM Canlas, Lei Andre Navarro,at Zyren Dela Cruz sa “Gameplay”; habang sa Biyernes naman, samahan sina Yesha Camile, Santino Santiago, at Erika Clemente na magbibigay buhay sa mga kwentong kapupulutan ng kaalaman at aral sa “StorYeY.”

Sa Sabado, gagamit ng musika ang mga bagong Team YeY kids na sina Kaycee, Omar, at Marco upang maipakita ang tunay na galing sa  “Soundcheck”; sa Linggo, nagsasama-sama ang buong barkada para sa isang araw ng challenges at palaro na hahamon sa tatag ng kanilang isip, loob at pagsasama-sama.  

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button