“THE MALL, THE MERRIER,” “NEVER NOT LOVE YOU,” “ONE GREAT LOVE,” AT “OPEN” TAMPOK SA KBO SIMULA MAY 1

Isang long weekend puno ng tawanan at drama dahil palabas ang hit movies  nina Vice Ganda, Anne Curtis, James Reid, Nadine Lustre, Kim Chiu at iba pang artistang inyong kinasabikan sa KBO simula Mayo 1. 

Hindi man makalabas ng bahay, paniguradong masisiyahan ang viewers sa TV premiere ng pelikula nina Vice at Anne na “The Mall, The Merrier.” Bibida ang phenomenal box office star at national sweetheart bilang ang magkapatid na sina Moira at Morrissette.

Kilalanin siya bilang si Ian, ang lalaking umiibig sa kanyang matalik na kaibigan na si Zyra. Panoorin kung saan hahantong ang kanyang pagkagusto sa kaibigan lalo pa at pilit pang inaayos ni Zyra ang komplikadong relasyon niya ng kanyang karelasyon na si Carl (JC de Vera)

Kasama rin sa line-up ang “Never Not Love You,” kung saan nakuha ni Nadine ilang Best Actress awards. Iikot ang kwento sa pag-iibigan ni Joanne, isang trainee na nagpapakahirap para sa kanyang pamilya sa probinsya at si Gio (James), isang graphic designer at tattoo artist na nakasandal pa rin sa suporta ng ama.

Ibang kwento ng pag-iibigan ang tampok sa 2019 movie ni Andoy Rana na “Open,” kung saan tatalakayin ang pagpasok ng isang magkasintahan sa isang open relationship. Labing-apat na taon nang magkasama sina Rome (Arci) at Ethan (JC). Subalit sa pagdaan ng panahon, mararammdaman ni Ethan na may kulang na at gustong subukan ang ideyang open relationship.

Bukod sa mga nasabing pelikula, mapapanood din ng KBO viewers ang “Babe I Love You,” “Sanggano, Sanggagao’t Sanggwapo, “Wander Bra,” at “Buy Now, Die Later.” 

Maaring manood at magregister ang ABS-CBN TVplus subscribers gamit ang kahit anong prepaid o postpaid SIM. Para sa prepaid, magload  (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green/INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang box ID; at i-text ang KBO30 (date) <TVplus box ID> sa 2366. Maaari mo rin ma-enjoy ang 4-weeks KBO for Php 99 pesos, tipid ka ng Php 21! I-text lang ang KBO99 <TVplus box ID> at i-send sa 2366.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button