Lucas, Matty, at Enzo ng Idolls, may Kani-kaniyang Bagong Awitin

May regalong bagong musika mula sa Star POP ang mga “Idol Philippines” alum na sina Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario o kilala bilang grupong iDolls.

Bibigyan ng emosyonal na kulay ni Lucas ang 5th Best Song sa 2018 Himig Handog na “Tinatapos Ko Na,” na orihinal na inawit ni Jona. Ang bagong bersyon ng awitin na tungkol sa malungkot pero puno ng pag-asang kwento ng isang taong dumadaan sa naghihingalong relasyon ay in-arrange ni Iean Inigo.

Courtesy of ABS-CBN Star Music

“Kauna-unahang revival ko po ito, and I’m honored kasi kinanta rin ito ni, Ms. Jona. Tapos na-experience ko rin ‘yung mensahe ng kanta, and naging theme song din siya ng ‘The World of the Married Couple’,” kwento ni Lucas kung bakit ispesyal ang kanta sa kanya.

Ipaparamdam naman ni Matty ang saya ng batang pag-ibig sa orihinal na awiting “Sayaw ng mga Tala” na isinulat ni Danielle Balagtas at ipinrodyus ni Star POP head Rox Santos. Ikinukwento ng awitin ang istorya ng isang tao na matagal nang umiibig sa kanyang minamahal, hanggang sa mauwi na ito sa walang hanggan.

Courtesy of ABS-CBN Star Music

“Gusto ko na nagku-kwento ‘yung kanta. I think I added my own flare to it na kahit wala pa kong relationship, kinanta ko siya na hindi ko inuna na bumirit ako, tinry ko’ng mag-focus sa message ng song,” ani Matty.

Bagong bersyon naman ng 2017 Himig Handog 3rd Best Song na “Extensyon” ni Inigo Pascual at composer nitong si Aikee ang hatid ni Enzo. Ipinapakita sa kanta ang mga tensyong namamagitan sa mga dating magkarelasyon lalo na kapag nagkita sila ulit. Si Theo Martel ang nag-arrange ng bersyon ni Enzo.

Courtesy of ABS-CBN Star Music

Paliwanag niya, “What makes it special is that I’m singing from a different perspective. Ang kinakantahan ko pwedeng babae, pwedeng lalaki, and ‘yung beat ng song mas mabilis. Ito pong version na ito, ako rin po ‘yung nag-rap.”

Sumali sina Lucas, Matty, at Enzo sa unang season ng “Idol Philippines” noong 2019. Nanalo bilang runner-up si Lucas, nagtapos sa top 12 si Matty, habang umabot naman sa top 20 si Enzo. Simula nang magtapos ang kompetisyon, nagco-cover na sila ng mga kanta gaya ng “Dalaga,” “Hanggang Dito na Lang,” at “Mabagal” bilang grupong iDolls.

Pakinggan ang “Tinatapos Ko Na” ni Lucas, “Sayaw ng mga Tala” ni Matty, at “Extensyon” ni Enzo sa iba’t ibang digital streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang StarPOP PH sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph). Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button