Lorna Tolentino, Mapapalayas na kaya sa Palasyo sa “FPJ’s Ang Probinsyano”?

Pagsanib-pwersa ng mga kalaban ni Cardo, mapapanood sa A2Z at TV5

Malabo nang matupad ang pangarap ni Lily (Lorna Tolentino) na maging presidente ng Pilipinas, matapos siyang agawan ng kapangyarihan ni Rentao (John Arcilla) sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” mapapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magtutuloy-tuloy na ang mga plano ni Renato nang kampihan siya ni Mariano (Rowell Santiago), ang minanipula ni Lily para maging pekeng presidente at sundin ang kanyang mga plano.

Nakalaya na ang most-wanted na kriminal sa bansa (Renato) dahil sa kasunduan nila ni Mariano at para masakatuparan na maging lider siya ng bansa nang hindi nalalaman ng taumbayan.

Lumalaki na ang pwersa ng mga kalaban ni Cardo (Coco Martin) ngayong hawak na ni Renato ang kapangyarihan at kasosyo pa nito ang isang kaaway ni Cardo na si Lito (Richard Gutierrez).

Sa kabilang banda, susubukan ng Task Force Agila na makalusot sa mga otoridad para hanapin si Cardo kasama ang bihag nitong si Lia (Jane De Leon).

Huwag palampasin ang maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Kristine Caudor

Writer, Correspondent | 19

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button