Sheryn Regis may bagong kanta tungkol sa ghosting

Ang power belter na si Sheryn Regis ay nagbabalik bilang Kapamilya sa bagong single na “Tulad ng Dati” mula sa ABS-CBN record label na Star Music.

Mapapakinggan na sa iba’t ibang music streaming services ang “Tulad ng Dati” na tungkol sa mga binasted at iniwan nang biglaan.

“Ito ang unang original song ko after 10 years na nawala ako sa Pilipinas,” kwento ni Sheryn. “Ito ay ang kantang maraming makaka-relate kasi maraming nakaka-relate sa ghosting at sa sakit ng pagmamahal.”

Ang karanasan niya sa mga genre na country, rock, R&B, at gospel sa paninirahan niya sa US ay naghanda sa kanya para sa isang bigating OPM comeback ngayong 2021.

Tampok rito ang tatak Sheryn sa pagkanta at ang tunog na indie-pop na nagbibida sa masakit na kwento nito. Ang madamdaming ballad ay hango sa komposisyon ni Kiko Salazar na iprinodyus naman ng March On Entertainment.

Kilala bilang Crystal Voice of Asia sa halos dalawang dekadang nagdaan, nagsilbing boses si Sheryn ng maraming theme songs ng mga teleserye ng ABS-CBN at nasungkit din niya ang apat na multi-platinum awarded albums at limang gold record awards.

Muling ipinamalas ni Sheryn ang kanyang natatanging galing sa pagkanta sa Himig 11th Edition finals night noong Linggo. Napapanood din siya sa kasalukuyang bilang host ng “Kalderoke: The Singing and Cooking Showdown” sa Kapamilya Channel.

Kristine Caudor

Writer, Correspondent | 19

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button