JOSHUA, NAKITANG NAGPAKAMATAY ANG AMA SA “VIRAL SCANDAL”

Inilahad na ni Kyle (Joshua Garcia) ang kanyang sariling pinagdadaanan kay Rica (Charlie Dizon) para maintindihan ng dalaga na parehas sila ng pinagdadaan sa “Viral Scandal.” 

Hinarap ni Rica ang kanyang boss matapos nitong sabihin na ito ang pupunta sa meeting nila sa city council na pinamumunuan ni Jigs (Markus Patterson). Tingin ni Rica na hindi siya nito pinagkakatiwalaan na makayang harapin ang nanggahasa sa kanya.

Ikwinento tuloy ni Kyle na alam niya ang pinagdadaanan ng babae dahil nakita niyang tumalon ang ama sa building kung saan muntik din siyang magpakamatay.  Para kay Kyle, mas mabuting kumunsulta si Rica sa isang doktor para maibsan ang kanyang trauma.

Samantala, naghihinala na sina Kakay (Dimples Romana) at Atty. Dizon (Ria Atayde) kung sino si Ella (Aya Fernandez) sa buhay nina Jigs at Archie (Vance Larena) at kung bakit bigla itong nawala sa kanilang barkada.

Malaman na kaya nila kung anong ginawa ni Ella kay Jigs? Pumayag naman na kaya si Rica na pumunta na sa doctor at magpa-therapy?

Bukod naman sa pagiging most watched show sa iWantTFC at WeTV iflix kinalala din na Best TV Series ang “Viral Scandal” sa 6th Gems Awards. Nakuha rin ni Dimples ang Best Performance in a Supporting Role sa parehas na award giving body. 

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button