1 Laban 6 “Sino Ang Maysala?: Mea Culpa”

Pilit na itinatago, malagim na katotohanan ngunit tadhana ang naghuhusga sa pinakabagong Kapamilya primetime crime-drama series na “Sino Ang Maysala?: Mea Culpa” tampok ang labanan ng dalawang babaing para sa hustisya at pagmamahal na magsisimula ngayong Lunes (Abril 29, 2019).

Masasaksihan sa tele serye ang muling pagbabalik-primetime ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria bilang Fina, hangad ng simpleng magsasaka ang magandang buhay ng kanyang pamilya at buong tapang na haharapin ang unos na nangyari sa kanyang anak.

Masusumpungan n’ya si Bela Padilla, sa role na abogado, kasama ang lima nyang kaibigan sina Tony Labrusca, Kit Thompson, Sandino Martin, Ivana Alawi, at Ketchup Eusebio.

Dumating ang isang trahedya sa kani-kanilang buhay ng pagplanuhan nilang umakyat ng Baguio sina Juris (Bela), Andrei (Tony), Gaylord (Sandino), Greco (Kit), Lolita (Ivana), at Bogs (Ketchup), upang i-celebrate ang tagumpay ng kanilang pagiging tunay na abogado.

Sa hindi inaasahang pangyayari dinukot ng isang salarin ang anak ni Fina at ito ang dahilan nang pagkawalay nilang mag-ina. Nagkasundo ang magkakaibigan na itago ang malagim na trahedyang kanilang nasumpungan at napagkaisahang kupkupin ang bata at si Juris ang mag-aalaga nito.

Minabuting itago ng magkakaibigan ang dagok na nagyari sa kanilang buhay, Lumipas ang ilang taon, tadhana ang humusga natagpuan ang matagal ng naaagnas na bangkay sa pinangyarihan ng krimen sa Baguio.

Nabunyag ang matagal na lihim na naitago, at dito nagkaroon ng pag-asa si Fina na buhay ang matagal nang nawawalang anak.

Sa tagal na panahong pananahimik ng isang trahedyang nangyari sa magkakaibigan, natagpuan ang bangkay ng isang babaeng hinihinalang nagnakaw sa anak ni Fina. Dito siya nagkaroon ng pagkakataon na lumaban sa pagasang mapapasa kanya muli ang matagal ng nawalay na anak dahil ramdam n’yang nasa poder ni Juris. Ngunit hindi magpapatalo ang abogado haharapin niya ang akusasyon laban sa kanila, ipaglalaban niya ang ipinaramdam at pagaaruga sa batang binigyan niya ng magandang buhay.

Inyong abangan ang kapana-panabik na yugto ng “Sinong Maysala?: Mea Culpa”. Makakamtan kaya ni Fina ang katarungan at hustisya laban sa mga katunggali at makapangyarihang abogado? Mapapasa kanya ba ang anak na matagal na nahiwalay sa kanya? Mananaig kaya ang katotohanan sa kasinungalingang matagal na inilibing sa limot?

Kasama rin sa cast ng Sinong Maysala?: Mea Culpa” ang mga batikang aktor na sina Agot Isidro, Janice de Belen, Ayen Munji-Laurel, Jay Manalo, at Boboy Garovillo. Ito ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at idinirek nina Andoy Ranay, at Dan Villegas.

Tunghayan at panoorin ang bagong Kapamilya seryeng “Sinong Maysala?: Mea Culpa” simula ngayong Lunes (April 29) sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang http://www.abscbnpr.com

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button