JEEPNEY TV, MAPAPANOOD NA SA CIGNAL

Pambungad ng Jeepney TV sa 2021 ang mga paboritong Kapamilya teleserye pati na ang pagiging available nito sa Cignal channel 44 na siguradong maghahatid ng saya sa mas maraming Pilipinong manonood.

Una sa mga handog ng Jeepney TV ang pagbabalik ng hit ABS-CBN fantaserye nina Enrique Gil at Liza Soberano na “Bagani,” kung saan pwedeng balikan ng LizQuen fans ang istorya kung paano pinroktektahan nina Lakas, Ganda, at iba pang Bagani ang lupain ng Sansinukob.

Mapapanood din ulit ang romantic-drama series na “Be My Lady” nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga tampok ang masiyahin at masipag na karakter ni Pinang at kantang “Tatlong Bibe” na tiyak na magdadala ng saya at inspirasyon sa mga manonood.

Nagbabalik din ang komplikadong kwento nina Andrea, Veronica, Rafael, at Miguel sa “Kahit Puso’y Masugatan” na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Gabby Concepcion, tungkol sa mga panganib ng pag-ibig.

Samantala, mapapanood na ng Cignal viewers ang tinaguriang ‘pambansang game show’ na “Game KNB?” sa pag-ere nito sa Jeepney TV para sa ikalawang season, bukod sa paglalaro nito sa Pinoy live-streaming app na Kumu (@gknb). Maaari din nilang sundan ang primetime dramas ng Kapamilya Channel sa Jeepney TV at mag-catch up sa “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 pm, at tuwing Sabado ng 8 pm.

Panoorin ang “Bagani” weeknights tuwing 7:30 pm, “Be My Lady” 4:35 pm, “Kahit Puso’y Masugatan” 12:30 pm, at “Game KNB?” season 2 tuwing 12 nn sa Jeepney TV na mapapanood sa Cignal channel 44 ng mga nag-avail ng Postpaid Plan 290 and up at Prepaid Load 100 and up. Mapapanood din ang Jeepney TV sa SKYcable channel 9, GSAT channel 55, at sa iba pang major provincial cable systems sa bansa. Sundan ang Jeepney TV sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok at magsubscribe na sa YouTube channel nito.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button