GYO CAPTURES ESSENCE OF YOUTH IN “HE’S INTO HER” SEASON 2 THEME SONG


Sumisimbulo rin ang kanta sa karupukan ng pag-ibig at pagiging bata at kung paanong ang sakit na dala nito ang dahilan kung bakit nag-iiwan ng magagandang alaala ang yugto na ito ng buhay o gaya ng sabi sa kanta, “the best time of our lives.”

Pagkatapos itong i-release, ipinakita agad ng fans ng BGYO na ACEs ang suporta nila kaya naman naging #1 sa iTunes Songs Chart sa Pilipinas, Saudi Arabia, at Singapore ang kanta at umabot din sa #3 sa iTunes Hong Kong. Kasama rin ito sa ilang local editorial playlists ng Spotify na “RADAR PH,” “P-Pop On The Rise,” at “New Music Friday Philippines.”

Bukod sa “Best Time” ng BGYO, itatampok din sa ikalawang season ng “He’s Into Her” ang acoustic ballad version ng kantang Did I Let You Go ng Fil-Brit singer-songwriter na si Jon Guelas.

Sa reimagined version ng kanta, maririnig ang lyrics na ipinapakita ang pananaw ng dalawang tao na dumaan sa hiwalayan. Saktong-sakto ito sa mga pagdadaang problema nina Deib (Donny Pangilinan) at Max (Belle Mariano) sa kanilang relasyon base sa trailer ng palabas.

Dapat ding abangan ng ‘bearkada’ ang mga kanta mula sa Nameless Kids, Trisha Denise, at iba pa sa “He’s Into Her” season 2 official soundtrack.

Damhin ang saya at sakit ng iyong kabataan at pakinggan ang “Best Time” ng BGYO at ang iba pang mga kanta na kasama sa OST ng “He’s Into Her” season 2 sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button