BUHAY NI GRAE, NASA ALANGANIN!

“Ang Sa Iyo Ay Akin” sa huling dalawang linggo

Nagsimula na rin nga na mapanood ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa TV5 kasama ang iba pang Kapamilya shows tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano”

Pigil-hiningang mga tagpo ang sasalubong sa mga manonood ngayong darating na linggo dahil malalagay sa bingit ng kamatayan si Jake (Grae Fernandez) sa muling pagtatangka nitong muling takasan sina Caesar (Simon Ibarra)

Mga dapat pang abangan sa “Ang Sa Iyo Ay Akin”

Matapos matunton ng huli ang lokasyon nina Jake at Hope (Kira Balinger), nagpasiya si Caesar na sumama kay Red (Manuel Chua) para siguraduhing mapatay ang dalawa.  

Sa kabilang banda, nalaman rin ni Gabriel (Sam Milby) ang kinaroroonan ng mga anak kung kaya’t magmamadali itong puntahan sila.  

Sa paglapit niya sa kinaroroonan nina Jake at Hope, makakasalubong niya si Avel (Joseph Marco).

Sa pag-uunahan nina Gabriel, Avel, at Caesar na maabutan ang dalawa, isang kapahamakan ang sasalubong kay Jake.  

Samantala, tuluyan nang napaikot ni Marissa (Jodi Sta. Maria) si Caesar dahil nakumbinsi itong ilaglag si Ellice (Iza Calzado) kapalit ang mga dokumentong naglalaman ng mga anomalyang kasangkot siya.    

Magwagi kaya si Caesar sa kanyang mga binabalak? Tuluyan kayang mawalan muli ng anak si Marissa? Ano kaya ang mangyayari kay Ellice sa ginawang pagsisiwalat ni Caesar? 

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay likha nina Julie Anne Benitez at Dindo C. Perez.   

Tutukan ang huling dalawang linggo ng hit serye gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel at TV5.  I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. 

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). 

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.  

Kristine Caudor

Writer, Correspondent | 19

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button