BAGONG CELEBRITY HOUSEMATES NI KUYA, IPAPAKILALA NA

Malapit na nga magsimula ang inaabangang “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” Celebrity Edition dahil handa nang ipakilala ni Kuya ang mga napiling celebrity housemates simula ngayong Miyerkules (Oktubre 6). 

Ito ang announcement na ginawa sa weekend show na “PBB Kumulitan” ni “PBB” alumnus Sky Quizon kasama sina “PBB Connect” alumni Amanda Zamora, at Ella Cayabyab. Inilahad ng tatlong ex-housemates na ang ibig sabihin ng “BC” na inilabas sa social media ay “Biga10 Celebreveal.” 

Magaganap ang pagpapakilala ni Kuya sa kanyang bagong celebrity housemates sa iba’t ibang online platforms kaya inaanyayahan ang lahat na tumutok ang lahat sa Kumu, Facebook, Instagram, at Twitter accounts ng “PBB.” 

Ipinasilip na rin ni Kuya ang isang larawan na pinapakita ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng celebrity housemates. Sino-sino kaya sila? 

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes. I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook (@pbbabscbntv), Twitter (@pbbabscbn), Instagram (@pbbabscbntv), at kumu (@pbbabscbn).  Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button