Piolo at Regine, muling magpapakilig sa premiere ng ‘Paano Kita Iibigin’ sa Sagip Pelikula Festival

Muling mapa-ibig sa isa sa mga pinaka-kinilalang tambalan nina Piolo Pascual at Regine Velasquez-Alcasid dahil mapapanood natin muli ang kanilang pelikulang “Paano Kita Iibigin,” simula Abril 27 (Martes) sa Sagip Pelikula Festival sa KTX bilang isang parte ng ABS-CBN Film Restoration.

Ang romantic-drama movie “Paano Kita Iibigin” ay inilunsad noong 2007, ito ang una at huling tambalan nina Piolo at Regine sa pelikula. Tumatako ang kwento sa buhay ni Martee (Regine), isang single mother na natanggal sa trabaho at pinalayas sa kanyang munting tahanan habang nakikipag-sapalaran buhayin ang nag-iisa at sakiting anak. Nang minsan niyang napagdesisyunan ang magbakasyon sa isang papaluging resort sa Zambales na pagmamay-ari ni Lance (Piolo), isang negosyanteng lubhang naapektuhan matapos ang isang malagim na aksidente. 

Naging malapit sila sa isa’t isa nang maging manager sa resort si Martee. Madalas man mag-away ang dalawa, ‘di magtatagal ay uusbong ang matamis na pag-iibigan nila dahil handang tulungan ni Martee si Lance na makabangon mula sa kanyang nakaraan. 

Ang klasik pelikulang ito ay mula sa kwento nina Tammy Bejerano-Dinopol at John Paul Abellera, panulat nina Abellera, Vanessa Valdez, at Mel Mendoza-del Rosario, at sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.  

Abangan ang pre-show nito kasama sina Piolo, Regine, Eugene Domingo, at manunulat nitong si John Paul Abellera. Dahil sa dami ng nananabik para sa pagbabalik nito ay kamakailan din ay nag-trending sa Twitter ang remastered na pelikula bago pa ang mismong showing nito. 

Hindi maipagkakaila na maganda nag adhikain ng ABS-CBN Film Restoration sa proyekto nitong Sagip Pelikula na ibalik ang dating ganda ng mga klasikong pelikulang Pilipino. Talagang kahanga-kahang ang proyektong ito dahil kinilala na ng ilang award-giving body ang inisyatibo nito, tulad nalang ng makatanggap ito ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), at ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). 

Patuloy nga ang pagyabong ng proyektong ito dahil bukod sa “Paano Kita Iibigin,” magpapakilig din ang ilan pang pelikula ni Piolo noon, tulad ng “Kahit Isang Saglit,” “Till There Was You,” “Milan,” at “Don’t Give Up on Us” simula Abril 28 (Miyerkules) sa Sagip Pelikula Festival sa KTX.  

At para naman sa “Paano kita Iibigin,” alamin kung magtatagal ba ang pagmamahalan ni Martee at Lance sa online screening ngayong Abril 27, 7:30 ng gabi sa KTX.ph. Mabibili na ang tickets nito sa http://bit.ly/PaanoKitaIibiginOnKTX sa halagang P150. 

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa “Sagip Pelikula,” i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).  

Gabby Balahadia

Twen-teen. Cinephile. Bookworm. A Literary and Cultural Studies student.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button