ABS-CBN STARS, HINARANA ANG VIEWERS SA BAGONG KAPAMILYA CHANNEL STATION ID

“Forever, Kapamilya!”

Ito ang chant ng ilang ABS-CBN stars na tampok sa pinakabagong station ID ng Kapamilya Channel na nakakuha na ng mahigit 500,000 views sa Facebook.

Sa video, taos-puso ang pag-awit ng mga bida ng “FPJ’s Batang Quiapo,” “Linlang: The Teleserye Version,” at “Can’t Buy Me Love” sa mga viewer upang ipadama sa kanila na lagi silang kasama at karamay ng bawat Kapamilya.

Nagpakitang-gilas din ang mga host ng “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “I Can See Your Voice,” “Magandang Buhay,” gayundin ang mga coach ng “The Voice Teens” sa bagong station ID na nagsisilbing paraan nila upang mapasalamatan ang mga manonood na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

Maging ang mga host ng upcoming season ng “Pinoy Big Brother” at ang mga news anchor ng “TV Patrol” ay napabilang din sa Kapamilya Channel station ID.

Kayo ang aming forever, Kapamilya. Samahan kami araw-araw sa paglikha ng mas maraming masasayang alaala at magagandang kuwento sa pamamagitan ng pagsubaybay sa lahat ng programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel na available sa mahigit 300 cable providers sa buong bansa.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button