Zanjoe, pinaghahanap na ng mga pulis

Napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5

Zanjoe Marudo wanted ng mga puis sa umiigting na mga eksena sa huling tatlong linggo ng “Walang Hanggang Paalam” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Isa-isa nang mabubunyag ang mga krimen ni Anton (Zanjoe) sa nasabing teleserye.

Nagtatago na mula sa mga otoridad si Anton matapos niyang sugurin at tutukan ng baril ang ex-fiancée niyang si Celine (Angelica Panganiban) dahil nalaman niyang mahal pa rin nito si Emman (Paulo Avelino).

Habang pinag-iinitan siya ng batas, sinusubukan namang kumbinsihin ni Leo (Tonton Gutierrez) si Amelia (Cherry Pie Picache) na isuplong ang kanyang kapatid upang hindi siya madawit sa iligal na negosyo nilang organ trafficking. Mas delikado na rin ang posisyon ng magkapatid matapos makumpirma ni Emman ang pagkadawit nila sa sindikato. 

Matakasan pa kaya ni Anton ang kanyang mga krimen? Ilalaglag na ba ni Amelia ang sarili niyang kapatid?

Panoorin ang “Against All Odds” finale ng “Walang Hanggang Paalam” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV. 

Kristine Caudor

Writer, Correspondent | 19

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button