Will Rhian succeed and stop Tiago’s evil plan? “THE GENERAL’S DAUGHTER”


Puno ng aksyon at emosyon para wakasan ni Rhian (Angel) ang kasamaan at gahaman sa kapangyarihan ni Tiago (Tirso Cruz III). Pinagplanuhan na ang pagbabanta niya sa tulong ng sikretong tauhan niyang si Cinco (Mercedes Cabral), na nagpapanggap bilang isang senador na kinasusuklaman ang mga terorista.

Ngunit nauubusan na ng oras si Rhian, dahil kasabay ng paghahanap nila nina Marcial (Albert Martinez) at Franco (Paulo Avelino) kay Tiago ay ang patuloy ding pagtugis sa kanila ng mga otoridad. Sa kabila ng pagdurusa ni Corazon (Eula Valdez) dahil sa pag-aalala para sa kanyang mag-ama, tuluyan namang umaklas si Amelia (Janice De Belen) mula sa layunin ng asawa niyang si Tiago at hiniwalayan na ito para magsimula ng bagong buhay kasama ang batang anak nila.

Courtesy of ABS-CBN Entertainment

Kasing tindi ng trending action stunts ni Angel Locsin ang mga pasabog, bakbakan, at nakakaantig na mga eksena ng mga karakter sa “The General’s Daughter” para tapusin ang kanilang huling misyon sa nalalapit nitong pagtatapos sa Oktubre 4.

Magtagumpay kaya si Rhian na linisin ang kanyang pangalan at pigilan ang masasamang plano ni Tiago para sa bansa? Kabilang din sa ilang mga eksenang tumatak sa mga manonood ay ang mga eksena ni Angel kung saan siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang stunts, ang pagkakatuklas ng karakter niya ng tunay na pagkatao niyang si Arabella, at ang pagkamatay nina Elai (Arjo Atayde) at Sabel (Maricel Soriano) sa kamay ni Tiago.

Simula nang mapanood ang “The General’s Daughter” noong Enero, mahigpit ang kapit ng mga manonood sa serye na nagdulot ng araw-araw na panalo nito sa nationwide ratings, pag-ulan ng mga papuri para sa all-star cast nito, at mainit na usap-usapan sa social media.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button