Tisay, Manganganib sa ‘Bagong Umaga’ Season Finale

Palapit na nang palapit ang tagos sa pusong pagtatapos ng “Bagong Umaga” at sa mga natitirang araw, malapit ng mapatunayan ni Tisay (Heaven Peralejo) ang pagkakasangkot ni Diana (Glydel Mercado) sa mga trahedyang nangyari sa kanyang pamilya at sa mga kaibigan. Ngunit manganganib ito at ang kanyang mga magulang dahil nakatakas si Diana habang inililipat sa ibang mental facility.

Kumapit lang sa inyong mga upuan dahil natuklasan ng ospital at mga awtoridad na nakikipag-usap si Diana sa mga kahinahinalang mga tao sa labas gamit ang isang telepono. Hindi alam ng lahat, sinadya ni Diana na mahuli dahil magkakaroon ito ng pagkakataon na tumakas.  

Talaga nga namang hindi nakuntento si Diana sa pagtakas at nang malamang buhay ang tunay na anak na si Angge. Gusto pa rin nito na maghiganti sa mga Veradona dahil naniniwala itong sasama sa kanya ang anak kapag mawala na si Tisay. 

Ngunit hindi niya ito magagawa nang walang tulong ng isa pang kaaway ni Ian – si Matthew (Richard Quan). 

Makumbinsi kaya ni Diana si Matthew na patayin ang mga Veradona? Mailantad kaya ang balak ng dalawa?  Iyan ang dapat nating abangan sa huling linggo ng seryeng tumatak sa puso ng bawat pamilyang Pilipino!

Panoorin ang pagtatapos ng “Bagong Umaga” ngayong linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. At para naman sa ating mga Kapamilya abroad, mapapanood ito sa The Filipino Channel.  

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

Gabby Balahadia

Twen-teen. Cinephile. Bookworm. A Literary and Cultural Studies student.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button