“THE LIGHT” NG BGYO, NO. 1 SA ITUNES ALBUMS CHART NG LIMANG BANSA

Bidang-bida sa international scene ang P-Pop group na BGYO matapos masungkit ang no. 1 spot ng Itunes Albums Chart sa Pilipinas, Hong Kong, Singapore, UAE, at Saudi Arabia sa kanilang pagrelease ng album na “The Light.” Kasalukuyan din itong namamayagpag sa mga bansang Canada, Thailand, Qatar, at Australia. 

Nasa top 20 ng Itunes Songs Chart Philippines ang 18 kanta nila kasama ang 12 tracks sa kanilang album. Kabilang din sa listahan ang mga kanta nilang “Kulay,” “Runnin,” “Feel Good Pilipinas,” and “While We Were Young.” 

Samantala, ang carrier single naman nilang “When I’m With You” ay na-feature sa OPM Rising ng Spotify, RADAR Philippines, at New Music Friday. Sa ngayon, umabot na sa lampas 100,000 views ang music video ng “When I’m With You” sa YouTube. 

Kasabay nang successful release ng kanilang album, natuwa naman ang netizens sa inilabas ng sikat na dance crew na Jabbawockeez na dance cover ng single ng BGYO na “The Baddest.”

Samantala, abangan naman ang paglabas ng debut album ng kanilang sibling group na BINI na “Born To Win” sa Huwebes (Oktubre 14). 

Pwede pa rin naman bumili ang fans ng tickets para sa sibling concert ng BGYOat BINI na “One Dream: The BINI &BGYOConcert,” sa Nobyembre 6 at 7 sa KTX.PH. Available pa rin ang SVIP tickets sa halagang P1,950 o US$39.99 at maari na silang makapanood ng dalawang show at makasali sa fan meet sa KTX.PH habang sa presyong P1,490 or US$29.99, pwede na rin nilang mapanood ang dalawang show sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Pakinggan na ang debut album ngBGYOsa Spotify at lahat ng major streaming platforms. Kumuha ng updates tungkol saBGYOat sundan ang BYGO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa YouTube channel nilangBGYOOfficial.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button