Maki-fiesta sa Summer Party ng ‘Asap Natin ‘To’ Ngayong Linggo

Ihanda na ang summer outfits at humanda sa isang malaking summer fiesta party mula sa inyong mga paboritong Kapamilya Idols ngayong Linggo, Abril 25 sa “ASAP Natin ‘To,” na eksklusibong mapapanod sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Pangunguhan ito ng birthday blowout ng nag-iisang Daniel Padilla sa ASAP stage, kaya’t humanda nang maki-party!

At para naman sa mga P-Pop fans lalong-lalo na sa mga Aces, humanda nang mag-ingay dahil hahataw muli ngayong Linggo ang P-Pop group BGYO para sa isang P-pop concert experience.

Muli tayong pahahangain nina AC Bonifacio, Maris Racal, at Vivoree Esclito dahil hindi sila pahuhuli sa dance flooe at hindi lang d’yan nagtatapos dahil makiki-sayaw din sina Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, Jeremy Glinoga, at Asia’s Pop Heartthrob Darren Espanto para sa isang K-Pop dance showdance!

Huwag din palalampasin ang mga hugot kantahan sa collab ng new breed of ASAP singers na sina KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at Sam Cruz, kasama ang ’90s teen star at momshie Jolina Magdangal; ihanda naman ang inyong mga tissues para sa senti jamming kasama ang bandang The Juans at si Moira dela Torre; susunda pa ito ng isang soulful musical performance nina Bamboo at Soul Siren Nina. 

Tuloy-tuloy pa rina ng summer fiesta dahil muli tayong pahahangain sa isang pangmalakasang biritan kasama ang new generation of ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena, Zephanie, at Janine Berdin.

Siguraduhing tumutok ngayong Linggo sa Asap Natin ‘to at huwag papahuli sa inspirational kantahan ng mga naglalakihan OPM artist, tulad nina Concert King Martin Nievera, Jason Dy, Jed Madela, Erik Santos, Nina, Klarisse de Guzman, at ang nag-iisangAsia’s Songbird Regine Velasquez para magbigay-pugay sa mga awitin ng international music icon na si Josh Groban

Huwag kalimutang isama ang buong pamilya sa pagtutok at pakiki-fiesta sa longest running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV, worldwide via TFC, at online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC.  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.  

Gabby Balahadia

Twen-teen. Cinephile. Bookworm. A Literary and Cultural Studies student.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button