SIKAT NA THAI SERIES NA “THEORY OF LOVE,” LIBRENG MAPAPANOOD SA iWantTFC

Isang bagong Thai series na naman ang magpapakilig at magbibigay ng hugot sa Pinoy fans dahil mapapanood na ang 2019 Thai series na “Theory of Love,” tampok ang sikat na Thai boys’ love pair nina Off Jumpol at Gun Atthaphan o OffGun, sa iWantTFC streaming service ngayong Lunes (Disyembre 7).

Tampok sa serye si Third (Gun), isang film student na miyembro ng sikat na grupo sa kanilang university kasama ang best friends niyang sina Khai (Off), Two (White Nawat), at Bone (Mike Chinnarat).

Sa kabila ng kanilang matalik na samahan, hindi alam ng magkakaibigan na matagal nang may lihim na pagtingin si Third kay Khai.

Pero mababalewala ang pagmamahal ni Third kay Khai dahil playboy ito at interesado lamang sa mga babae. Dahil sa sitwasyong ito, pipilitin ni Third na kalimutan na lamang ang nararamdaman para kay Khai, hanggang sa bigla na lang siyang ligawan nito.

Imbes na mauwi sa happy ending ang love story ng dalawa, isang sikreto ang wawasak sa puso ni Third na magiging dahilan upang layuan niya si Khai.

Tuluyan na bang matatapos ang kanilang pagiging pagkakaibigan dahil sa kanilang pag-iibigan?

Isa ang “Theory of Love” sa Thai series na ipinapalabas sa iWantTFC streaming service bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN sa Thai content company na GMMTV. Napanood din sina Off at Gun sa “I’m Tee, Me Too” na available rin sa iWantTFC.

Courtesy of iWantTFC

Libreng mapapanood ng subscribers sa Pilipinas ang Tagalized episodes ng “Theory of Love” sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button