Movie marathon ngayong April sagot ng TFC Online

Malibang habang nananatiling ligtas sa inyong mga bahay, panoorin ang mga libreng Filipino films sa TFC Online ngayong April.

Mag-register lang for FREE sa TFC Online at nasa 200 Filipino films na ang puwedeng pagpilian, mula sa mga pelikulang pinagbibidahan ng ilang paboritong loveteams tulad ng “Barcelona” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, “My Ex and Whys” nina Enrique Gil at Liza Soberano, at “A Second Chance” nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz; o kaya naman ay ang mga family-oriented films tulad ng “Seven Sundays” at “Familia Blondina”.

Balikan din ang ilang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin tulad ng pinagtambalan nilang comedy films na “The Super Parental Guardians” at “Beauty and the Bestie”.

Marami rin pagpipilian sa horror genre tulad ng “Feng Shui”, “The Ghost Bride”, at “Buy Now, Die Later”, ganun din sa action genre tulad ng “We Will Not Die Tonight” at “AWOL”.

Panoorin ang mga free movies na ito sa TFC Online hanggang April 30, 2020.

‘Wag palampasin ang exciting na mga Filipino movies na ito sa TFC Online. Pumunta lang sa TFC.tv at gumawa ng account.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button