MADAM INUTZ, BRENDA, ZACH, AT MICHAEL VER, MULING PAPASOK SA “PBB KUMUNITY”

May big comeback ang Celebrity at Adult Edition Top 5 finalists na sina Madam Inutz, Brenda Mage, Zach Guerrero, at Michael Ver Comaling sa “PBB Kumunity Season 10” ngayong weekend upang humarap sa mga bagong hamon mula kay Kuya.

Muling magbabalik ang limang housemates upang ipaglaban ang kanilang pangarap na maging Big Winner ng “PBB Kumunity,” kung saan mabibigyan sila ng tsansa na makaharap ang Top 2 ng bawat edition na sina Anji Salvacion, Samantha Bernardo, Nathan Juane, Isabel Laohoo, at ang magiging Top 2 ng Teen Edition.

Samantala, patuloy naman ang pagsukat ni Kuya sa husay at diskarte ng Teen Final 5 na sina Gabb Skribikin, Paolo Alcantara, Maxine Trinidad, Stephanie Jordan, at Rob Blackburn sa diamond challenge. Malalaman ang Top 2 ng Teen Edition ngayong Mayo 14. 

Ano kaya ang mga pagsubok ni Kuya para sa mga nagbabalik na housemates? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10.” Sundan ang official “PBB” social media accounts na @PBBabscbn sa Twitter at @PBBabscbntv sa Facebook at Instagram sa at manood ng “Kumulitan” sa @pbbabscbn sa Kumu ng 5:45 pm at “Kumunity G sa Gabi” ng 9 pm.   

Tutok lang din sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Abangan din ang dailly Kumulitan sa app.kumu.ph/pbbhouse.     

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button