Lovi at Zanjoe, Paglalaruan ng Tadhana at Pag-ibig sa “Malaya”

Pag-ibig na mahirap pakawalan ang matatagpuan nina Lovi Poe at Zanjoe Marudo sa “Malaya,” isang original movie mula sa “Glorious” director na si Concepction Macatuno, na mapapanood na sa buong mundo sa iWant at TFC.tv.

Tampok sa iWant original na ito ang unang pagsasama nina Lovi at Zanjoe na kinunan sa Italy, kung saan libo-libong Pilipino ang nakatira. Sa una niyang trabaho, makikilala niya ang masipag at misteryosong si Iago (Zanjoe), at mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Kahit na tila itidhana ang kanilang pagtatagpo, magdedesisyon silang pakawalan ang isa’t isa para sa kanilang pamilya at ambisyon.

Muling magkikita ang dalawa pagkalipas ng ilang taon. Ngunit sa pag-aakala ni Malaya na ito na ang tamang panahon para sa kanila, masamang balita ang hatid ni Iago dahil ikakasal na pala siya sa iba.

Hanggang kailan dapat maghintay para sa tamang panahon at tamang taong mamahalin? Ang “Malaya” ay ipinrodus ng Dreamscape Entertainment at Sisu. Mapapanood na ito sa Pilipinas sa iWant at sa ibang bansa naman sa TFC.tv.

Panoorin ang “Malaya” sa TFC.tv at sa iWant app (iOs at Android) o iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapeph sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button