KYCINE AT SETHDREA, LUMALALIM ANG SAMAHAN SA “HUWAG KANG MANGAMBA”

Nakahanap ng karamay sina Rafa (Kyle Echarri), Pio (Seth Fedelin), Joy (Francine Diaz), at Mira (Andrea Brillantes) sa isa’t isa habang lumalalim ang kanilang pagiging magkaibigan sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Dahil sa pagiging magandang impluwensiya ni Joy kay Rafa, mas naging matatag ito na patunayan ang sarili sa kabila ng pangmamaliit sa kanya ng kanyang lolo (Nonie Buencamino). Unti-unti na ring napapalapit si Pio kay Mira, na madalas niyang alagaan at pakitaan ng kabutihang-loob.

Habang lumalalim ang kanilang samahan, nagkaisa rin ang bayan ng Hermoso sa pamamahagi ng kanilang donasyon sa isinagawang fundraising event ni Mira para sa pagpapatayo ng simbahan.

Nagsisimula na rin ang pananaliksik ng investigative journalist na si Eva (Mylene Dizon) tungkol sa ginawang himala nina Mira at Joy sa isang pulis, habang susubukang mapalapit si Miguel (RK Bagatsing) kay Eva para magamit niya ito sa pangangampanya niya bilang mayor.

Paniniwalaan ba ni Eva ang milagro nina Mira at Joy? Ang pagkakaibigan ba nina Rafa, Pio, Joy, at Mira ang magiging sagot sa kanilang mga pagsubok?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Courtesy of ABS-CBN Entertainment

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button