KUMPIRMADO NA! “It’s Showtime” will soon air on GMA-7

Isa na namang kasaysayan sa noontime television ang mangyayari! “It’s Showtime” sa bago nitong tahanan sa GMA Network. Ito na marahil ang biggest plot twist ng taon dahil ang Kapuso at Kapamilya, ngayon ay tunay nang mapag-iisa!

Ngayong araw, martes, March 19 nagpost ng teaser ang longest-running Kapamilya noontime show na It’s Showtime. Sa kanilang official facebook page, makikita na may katabing puso na sa dulo ng mga animated letters na “IT’S” ng It’s Showtime at may caption “Good news, Madlang People! ABANGAN! 💙💛.”

Facebook: It’s Showtime

Tila may ipinapahiwatig itong isang magandang balita para sa Madlang People

Umani ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga netizens.

PHOTO: GMA Network

Matatandaang noong March 7, 2024 inanunsyo ng TAPE Inc. ang producer ng “Tahanang Pinakamasaya” na hindi na sila mapapanood simula March 8. Ito ay dahil sa mga di inaasahang pangyayari na tuluyang kinailangan na nila itigil ang produksyon. Dahil dito, nabakante ang noontime slot ng Kapuso Network at pansamantalang pinalitan ng “Lunchtime Movie Hits.”

Dito na nag-umpisa kumalat ang mga haka-haka at hula kung anong programa ang papalit sa nabakanteng noontime slot. May mga nagsasabing marahil ito na ang hudyat ng pagbabalik ni Willie Revillame sa noontime. Ngunit ilang araw lang ay nag-umpisa na rin umugong ang mga balitang ang “It’s Showtime” na ang planong ilagay sa noontime slot ng GMA.

Hanggang nitong nakaraang linggo, kinumpirma ni L Guerrero ng Pilipino Star Ngayon na may panibagong collaboration sa pagitan ng GMA at ABS-CBN at ito na nga ang paglipat ng “It’s Showtime” sa main channel ng Kapuso network sa GMA-7.

Noong July 1, 2023, unang umere ang “It’s Showtime” sa GTV ang sister channel ng GMA matapos hindi magkasundo ang ABS-CBN sa 4:30pm timeslot na inaalok ng TV5. Simula noon 8 months nang pinapasaya ng Showtime fam ang mga kapusong solid showtimers at Madlang People!

Wala pang anunsyo kung kailan magaganap ang contract signing.

Abangan ang mga latest update.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button