JOROSS AND ROXANNE’S “HOY, LOVE YOU” GETS SEASON 2

Mas aapaw ang kilig ng Kapamilya fans dahil madudugtungan ang kabanata ng pag-iibigan ng mga karakter nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap na sina Jules at Marge sa inaabangang season 2 ng “Hoy Love You” ng ABS-CBN.

Kasalukuyang napapanood ang Season 1 nito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), at A2Z, matapos unang ipalabas sa iWantTFC.

Sa ginawang celebrity screening noong Sabado (Hulyo 31) inanunsyo ang magandang balita sa mga tagasubaybay ng serye, na ikinatuwa rin ng cast at ng direktor nito na si Theodore Boborol.

“Sobrang blessed kami na tinangkilik kami ng mga tao sa iWantTFC. Bilang lang yung mga show na may season 2. So yung nagawa namin ang season 1, gusto lang namin magpasaya ng mga tao, especially ngayong pandemic and we are thankful and grateful na ginagamit din kaming blessing para magpasaya pa ng mga tao,” ani Direk.

Labis din ang pasasalamat ng bida ng serye na sina Joross at Roxanne dahil sa matagumpay nilang reunion project na kinunan pa rin sa Submarine Garden Beach Resort sa Lobo, Batangas.  

Maraming maraming salamat sa lahat ng mga sumuporta sa amin. Kung hindi  niyo talaga sinuportahan kami sa iWantTFC, hindi kami mapupunta sa platform na ‘to. Ngayon sana, suportahan niyo ulit kami sa season 2 para magkita kita tayo ulit,” ani Joross.  

Sumang-ayon naman ang leading lady niyang si Roxanne. Aniya, “Nasabi na nila ang lahat. From Tita Linggit to Direk, to the staff, to my co-actors, and sa inyong lahat, maraming, maraming salamat.”

Bilang pandagdag saya sa “Hoy, Love You,” makakasama na rin si Ritz Azul bilang Mika, ang karakter na magpapagulo sa buhay nina Jules at Marge; si Hasna Cabral bilang si Kitty, ang kakampi ni Mika sa pangugulo; at si Lou Veloso bilang si Lolo Bruno na striktong matanda sa kanyang apo.

Samantala, mapapanood ngayong weekend ang unti-unting pagkakamabutihan nina Jules at Marge. Pero aprub kaya ang mga anak nila? Abangan iyan sa “Hoy, Love You” Season 1 ngayong Sabado, 9:30 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button