JODI, PINAGTANGKAAN ANG BUHAY

Sumabog ang kotseng sana’y maghahatid kay Marissa (Jodi Sta. Maria) sa kanyang bahay at muntik nang kitilin ang kanyang buhay nitong Lunes (Pebrero 1) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Ang taong nagdala sa kanya sa panganib ay walang iba kundi ang taong kanyang pinagkatiwalaan – ang bodyguard nitong si Avel (Joseph Marco). Nakita na ng manonood kung paano mabusising plinano ni Ceasar (Simon Ibarra)  para patayin si Marissa sa pamamaitan ng pagkuntsaba kay Avel.

Ayaw nang gawin nito ang utos ni Ceasar dahil napalapit na sa kanyang puso si Marissa, at natakot rin ito na kung hindi niya sundin ang amo, masisira ang kanyang planong alamin kung sino ang pumatay sa kanyang mga magulang.  

Pero sa oras ng piligro, sinunod nito ang kanyang puso at iniligtas si Marissa sa panganib, kung kaya’t naitakbo pa ang huli sa ospital.  

Samantala, magiging panandalian lamang ang pagdiriwang nina Ceasar at Belen (Rita Avila) dahil malalaman nilang ang kanilang kaaway ay buhay pa rin pala. Ibubuhos ni Ceasar ang galit dahil sa pagtratraydor na nagawa ni Avel at ngayon, ito naman ang haharap sa panganib.

Mapatay kaya ni Ceasar si Avel? Paano makakakabangon si Marissa sa isa sa pinakamatinding pagdurusa sa buhay niya?

Alamin magiging kapalaran nina Marissa at Avel sa mga darating na gabi sa “Ang Sa Iyo Ay Akin,” palabas gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel.  

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.  

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).  

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app oiwanttfc.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button