JEALOUSY/PRIDE PROVOKE JAKE/MIKO INTO BRAWL “VIRAL SCANDAL”

Sumiklab ang galit nina Miko Raval at Jake Cuenca sa isang eksena.  Nagkaharap sila muli.  Dala ng selos at pride, nauwi sa suntukan ang pagkikita nina Dan (Miko Raval) at Troy (Jake Cuenca) matapos marinig ng pangalawang ama ni Rica (Charlie Dizon) ang tungkol sa ibinigay na trust fund at kwintas ng mayor.

Sinabi ni Troy kay Dan na may karapatan siyang ibigay siguraduhin ang magandang kinabukasan ng anak at hindi dapat ito hadlangan ng lalaki. Ang hindi niya alam ay wala naman alam si Dan tungkol sa mga ibinigay niya. 

Pakiramdam naman ni Dan ay naloko siya nina Kakay (Dimples Romana) at Rica sa paglilihim sa kanya. Hindi nga niya napigilan sigawan si Rica nang tanungin siya nito paglabas nila ng bahay nina Troy.

Ano kaya ang gagawin ni Dan para lumayo sa mga Ramones? Ano naman kaya ang mararamdaman ni Raven (Kaila Estrada) kapag nalaman niyang lumalapit sina Troy at Audrey kay Rica pagkalabas niya ng rehab?

Samantala, ibinahagi nina Charlie at Kaila kung paano nila tinutulungan ang isa’t isa sa mga eksena lalo na sa trending na harapan nila sa palabas kung saan sinugod ni Raven ang kapatid sa Balai Arkitektura at sinisi si Rica sa pagkasira ng kanyang pamilya. Kwinento rin niya kung gaano ka-imperpekto ang kanilang pamilya. 

“Sa totoo lang grabe yung kaba namin ni Charlie bago kunan yung eksena na yun and matagal namin siyang pinag-usapan at pinaghandaan kaya sobrang nakakatuwa  nakakatuwa na worth it lahat kasi natuwa ang mga tao,” saad ni Kaila sa eksklusibong interview nila sa TV Patrol. 

Dagdag naman ni Charlie, “Parehas kay Kaila, totoo po na kinabahan kami bago yung eksena na yun. As in bago nun, ilang gabi namin binabasa yung script na yun.”

Sa katunayan, palagi pa raw humihingi ng payo si Kaila kay Charlie lalo pa at una niya itong teleserye. 

“Actually lagi kami ni Charlie kapag nagbo-bonding kami lagi ko siyang tinatanong. As in lagi ko siyang tinatanong sa eksena. Paano kung hindi mo nararamdaman, anong ginagawa mo? As in lagi ko siyang hinihingan ng advice,” sabi niya. 

Ang “Viral Scandal” ay nasa ilalim ng direksyon nina Dado C. Lumibao at Froy Allan Leonardo at produksyon ng RCD Narratives.

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button