HIRAP NG MAGKASINTAHAN SA GITNA NG LOCKDOWN IPAPAKITA SA BAGONG “PILIKULA” NG ABS-CBN

Kuwento ng walang hanggang pag-ibig na susubukin ng tadhana sa gitna ng quarantine ang matutunghayan sa “Wedding Dress: For Sale,” ang pinakabagong kuwentong handog ng “PILIKula” na magkakaroon ng exclusive digital premiere para sa piling fans sa July 13 (Lunes).  

Kilalanin sina Lalaine at Paul, ang magkasintahang naudlot ang kasal matapos ideklara ang lockdown dulot ng pandemya. Naubos ang kanilang pera para sa kanilang sana ay espesyal na araw, kaya si Lalaine ay napagdesisyunang ibenta na lang ang kanyang traje de boda upang kahit papaano ay mabawi ang kanilang ginastos. Ngunit tututulan ito ni Paul, at sinabing itabi na lang ito para sa panahong matuloy na ang kanilang kasal.

Uusbong ang pagtatalo ng dalawa ng dahil sa magkaiba nilang pananaw na susundan pa ng ibang problema at mag-iiwan ng katanungan kung dapat pa ba nilang ituloy ang kanilang relasyon o isuko na lang.

Kasama sa “Wedding Dress: For Sale” sina Diana Mackey, Brian Gocheco, AC Sangab, Reign Parani, at Camille Sandel.  

Sa mga nais na maging isa sa mga pinakaunang makakapanood sa digital short film, maaaring bumili ng tickets sa ktx.ph sa halagang P1,000 (SVIP) at P750 (VIP). Sa mga bibili ng SVIP ticket, bukod sa mapapanood nila ang unang tatlong episodes ng palabas at makakasama sa isang zoom party ang cast, magkakaroon din sila ng pagkakataon magkaroon ng one-on-one chat kasama ang paborito nilang cast.  

Kasama ang “PILIKula” sa humahabang listahan ng digital content ng OKS (Online Kapamilya Shows).

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button