PANUORIN: GMA’s Christmas Station ID 2021 “Love Together, Hope Together”, Inilabas na!

Inihandog ng GMA-7 ang kanilang bagong Christmas Station ID ngayong taong 2021 na “Love Together, Hope Together.”

Sa nalalabing animnapu’t siyam na araw bago ang kapaskuhan, inilabas na ng GMA-7, kaninang ika-labimpito ng Oktubre, ang kanilang Christmas Station ID sa taong 2021 na pinamagatang “Love Together, Hope Together.”

Ang mga Kapuso Artists na nasa video ay sina Rita Daniela, Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Maricris Garcia, Anthony Rosaldo, Hannah Precillas, Arra San Agustin, Jeremiah Tiangci, Faith Da Silva, Jessica Villarubin, Garett Bolden, XOXO at si Thea Astley.

Kasama rin ang Asia’s “Limitless Star” na si Julie Anne San Jose at ang Asia Nightingale na si Lani Misalucha.

Ang liriko ng kanta ay mula kela BJ Camaya, Emman Rivera, at Jann Lopez. Composed at Arrange naman ang ginawa ni Simon Peter Tan.

Screenshot from the video, “GMA Christmas Station ID 2021 Lyric Video: “Love Together, Hope Together” of the GMANetwork Youtube Channel.

“Sa dami ng pagsubok na dumating, lahat ito’y ating nalagpasan sapagkat sama-sama natin itong pinagdaanan.” paglalarawan ng GMA Network noong ibinahagi ang Station ID sa kanilang YouTube channel.

Ramdam na ng madla ang Pasko dala ng mga ngiti at saya ng Kapuso Artists habang ginagawa nila ang Station ID ngayong taon.

Kaya para sa mga Kapuso, ito ang ipinaparating  ng kanta para sainyo, “Laging maliwanag ang Pasko, if we love together, hope together.”

Ngayong Pasko, Let us “Love Together, Hope Together”

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button