Final Episode Ng “Halik”

Marami pang matitinding labanan ang matutunghayan nina Lino (Jericho Rosales), Jade (Yam Concepcion), Jacky (Yen Santos), at Ace (Sam Milby) ngayong mararanasan nila at masusumpungan ang pagsubok ng tadhana pilit paglalayuin ang pag-ibig at karapatan sa huling mga araw sa serye ng “Halik”.

Lalong kaiinisan nang manonood sina Ace at Jade dahil pilit nilang inilalayo si baby CJ mula kay Lino at makatakas sa batas. Pagmamahal ng isang ama ang magiging sandata upang mabawi si baby CJ, at siya namang tutulong at susuporta si Jacky hanggang sa huli.

Malalagay sa bingit ng kamatayan sina Jade at Jacky, samantalang dito magbabago ang landas na tatahakin ni Lino upang makamit ang matagal na niyang minimithing hustisya. Posibleng may masasakripisyong buhay sa kasakiman ni Ace, pagpapatuloy parin niya ang paghihiganti gamit sina Jade, Jacky at anak nitong si baby CJ, laban kay Lino.

Hinahangaan at pinaguusapan ng mga tagasubaybay ng seryeng “Halik” ang kahusayan nang mga nagsisipagganap, lalung-lalo na si Lino dahil sa pagiging dedikasyon niya sa pagganap bilang ama, at ang katapangan at tibay ng loob ni Jacky, bagama’t siya’y isang babae.

Sino kaya ang tunay na magwawagi sa laban ng dalawang magtunggali? Kanino mapupunta ang huling “Halik”?

Huwag palalagpasin ang kapana-panabik na pagtatapos ng “Halik” na mapapanood sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC. Mayroong streaming ang huling episode ng programa kasabay ng local airing nito via TFC Online (www.TFC.tv) sa April 26 sa ganap na 9:15 p.m. (Manila time).

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button