FAVORITE NICKELODEON SHOWS AT IBA PANG SIKAT NA CARTOONS, MGA BAGONG AABANGAN SA YEY

Ngayong Abril, bibida sa YeY ang mga mamahalin at kagigiliwang  action adventures, cartoons at child-friendly series na magpapasaya sa mga bata ngayong summer.

Nangunguna dyan ang sikat na shows mula sa kilalang all-kids international channel na Nickelodeon tulad ng “Rusty Rivets” at “Avatar, the Legend of Aang.”

Matuto ng siyensya kasama si Rusty sa “Rusty Rivets” ng Nickelodeon. Gamit ang kanyang kaalamanan sa engineering, sinusubukan niyang gumawa ng bagong gadgets gamit ang mga machine part na kanyang nahahanap. Panoorin siya kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Ruby at Botasaur sa paggamit ng teknolohiya sa pag-solve ng problema, tuwing Lunes hanggang Biyernes simula 9:30 AM.  

Mula rin sa Nickelodeon, nagbabalik naman ang “Avatar, the Legend of Aang” tuwing Sabado at Linggo ng 11 AM. Naglalakbay si Aang at ang kanyang mga kaibigan na sina Katara at Sokka sa North Pole para hanapin ang waterbending master at sila’y maturuan. Kinakailangan makabisa ni Aang ang apat na elemento ng hangin, tubig, apoy, at mundo para tapusin ang giyera na sinimulan ng Fire Nation.

Para naman sa mga Lego fans ng Ninjago toy line, ang pagdating ng “Lego Ninjago: Master of Spinjitzu” sa YeY. Mapapanood ito tuwing Sabado’t Lingo, 1 PM. Dahil sa naka-ambang panganib sa kanilang mundo na Ninjago, naghanap si Sensei Wu ng mga Ninja para i-save ang kanilang sinasakupan.  Sa tulong nina Kai, Jay, Cole, Zane, Lloyd at Nya kailangan nilang mahanap ang apat na weapons ng Spinjitzu bago pa mahuli ang lahat.  

Makakabonding din ng mga YeY kids ang “Magandang Buhay” chikitings na sina Jordan Lim, Mela Francisco, at Pele Escueta sa bagong palabas na “Pop Babies” tuwing umaga, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-SpongeBob SquarePants. Iba’t-ibang nursery rhymes ang hatid ng bibo trio.

Para naman sa mga sumusubaybay sa Team YeY, available na din online ang mga Team YeY vlogs, dares, challenges and out-of-studio trips and experiences sa YeY YouTube channel. Pwede na ring makisali  ang parents and kids sa #Funbahay with Team YeY activities na    nasa YeY Facebook page.  
Huwag palalampasin ang bagong offerings ng YeY simula ngayong Abril. Abangan din ang mga parating na Watch & Win promos sa YeY Facebook page para sa chance na manalo ng exciting prizes.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button