COCO, AYAW PAKAWALAN SI JANE SA “FPJ’S ANG PROBINSYANO”

Nauubusan na ng lugar na matatakasan si Cardo (Coco Martin) sa patuloy na paghahanap sa kanya ng batas at kamatayan habang bitbit niya ang hostage na si Lia (Jane De Leon) sa ABS-CBN teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Patuloy na nagiging mailap si Cardo sa kanyang mga kalaban matapos siyang sugurin muli ng buong batalyon ng Black Ops, na inatake ang tinutuluyan nilang rest house ni Lia. Kaya naman ngayon, doble-higpit na ang pagbabantay sa bawat checkpoint para matagpuan ang dalawa.

Ito ay matapos pansamantalang naging magkasangga sina Cardo at Lia sa pakikipaglaban sa mga armadong lalaki na pinaulanan sila ng bala.

Saan kaya dadalhin ni Cardo si Lia sa paghahanap niya ng matataguan? Kaninong buhay ang susunod na maibubuwis sa ngalan ng katarungan?

Tumitindi ang kapit ng mga manonood sa maaaksyong eksena sa serye dahil nagtala ng all-time high na 114,777 peak concurrent viewers ang episode nitong Mayo 10, at nilagpasan ang sariling live viewership record ng programa sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Wala pa mang isang araw, nakapagtala na rin ang episode ng higit sa 3.3 milyong views sa YouTube.

Huwag palampasin ang mga eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang  www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button