CHICO, NAMAALAM NA SA PBB; AMANDA AT RALPH, BIG 4 CHALLENGERS

May pag-asa pa sina Amanda Zamora at Ralph Malibunas na mapabilang sa Big 4 at makatuntong sa Big Night ngayong Linggo (Mar 14) habang natapos na ang laban ni Chico Alicaya sa “Pinoy Big Brother (PBB) Connect” na nasa final week at mapapanood na rin sa TV5.

Sa ginanap na 11th eviction night noong Linggo (Marso 7), ang tinaguriang Striving Footballer ng Cebu ang nakakuha ng pinakamababang boto mula sa taumbayan kung kaya sina Amanda at Ralph ang tinanghal na Big 4 Challengers. 

Nakakuha si Amanda ng 31.7% ng pinagsamang Kumu at text votes, habang si Ralph naman ay may 5.66% at -6.12% lamang ang kay Chico.

Akala nina Amanda, Ralph, at Chico na tatlo silang mapapalabas sa bahay ni Kuya matapos magwagi sina Andrea Abaya, Jie-Ann Armero, Liofer Pinatacan, at Kobie Brown sa “Apat na Karapat Dapat” Challenge upang maging Big 4. Ngunit, laking gulat nila sa anunsyo na may dalawang napili ang taumbayan na bigyan pa ng isang pagkakataon na matupad ang pangarap.

Bakas naman sa mukha ng kasalukuyang Big 4 na sina Andrea, Jie-Ann, Liofer, at Kobie ang gulat at kaba na maaring maagaw pa sa kanila ang titulong Big 4. Kaya naman sa huling linggo ng “PBB Connect,” kailangan subaybayan ng viewers kung may kapalaran nga bang mababago sa mga natitirang housemates.

Ngayong gabi (Mar 8), magsisimula na ang paghamon nina Amanda at Ralph sa dalawa sa kanilang mga housemate. Manaig kaya sila at makapasok sa pinal na Big 4? Subaybayan ang mga umaatikabong kaganapan sa huling linggo ng “PBB Connect” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z, at TV5.

Samahan din sina Bianca at Robi sa huling linggo ng “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:00 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).   

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button