Bro, pinagaling si Andrea mula sa pagkakabulag sa “Huwag Kang Mangamba”

Napapanood gabi-gabi sa TV5

Matapos pagbantaan ang buhay ni Mira (Andrea Brillantes) dahil sa pagkakalat niya ng balitang kinakausap siya ng Diyos (Bro) na hindi pinapaniwalaan ng mga taga-Hermoso, nangyari na ang himala na siya’y makakita.

Dito na magsisimula ang misyon ni Mira na ibahagi sa kapwa ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos.

Tutulong naman si Mira kay Father Seb (Enchong Dee) na muling maipatayo ang dating simbahan ng Hermoso, ngunit hindi pa rin magiging sapat ang nangyaring milagro para makumbinsi si Joy (Francine Diaz) na nagsasabi siya ng tao.

Isa naman sa makakalaban ni Mira si Deborah, ang sikat na faith healer ng bayan, na aakusahan siyang sinungaling at patuloy na magkukunwari na siya lang ang tanging nakakakita sa Diyos.

Abangan pa ang mga himala ni Bro at subaybayan kung gaano kalawak ang kanyang pagmamahal sa “Huwag Kang Mangamba”, gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Kristine Caudor

Writer, Correspondent | 19

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button