Maliligtas ba ang Sansinukob sa pagtatapos ng BAGANI?

Isa ang Bagani sa pinakamatagumpay na Fanta-Serye ng ABS-CBN na talagang inaabangan gabi-gabi lalo na ang mga kabataan dahil sa kakaibang storya at mga fighting scenes na talagang nakakamangha. Mula pagsisimula hanggang sa nalapit na pagtatapos nito, marami pa din ang nakasubaybay. Nakamit ng Bagani sa Primetime ang all-time hight national TV rating na 36.2 Percent noong Abril 17, ayon sa KANTAR MEDIA. 

Masusubok ang paninindigan at ipinaglalaban ng BAGANI sa patuloy nilang paglalaban sa kasamaan para mailigtas ang Sansinukob mula sa pagkawasak sa huling linggo ng BAGANI,

Nanganganib na mabura ang lahat ng buhay sa Sansinukob kapag hindi napuksa ang halimaw na nananalaytay sa loob ng katawan ni GANDA (Liza Soberano)

Patuloy namang naglalakbay si Ganda kasama si Lakas (Enrique Gil) para hanapin ang puso sa Sinukuan, na nanatiling mailap kaya`t wala pa ring takot at pangamba nila para sa kanilang kaligtasan bawat sandaling hindi nakukuha ni Ganda ang lunas ay lumalakas ang halimaw sa loob niya.

Magiging mabigat ang problemang ito para sa lahat dahil kapag lumala na ang sitwasyon, kailangan nilang mamili sa pagitan ng buhay ni Ganda at ng buong Sansinukob.

Hindi lang sa ratings nananalo ang BAGANI, dahil gabi-gabi rin itong pinag-uusapan at nagte-trend ang mga opisyalk na hashtag episode sa Twitter. Ito na ang Ikalawang pinag-uusapang teleserye sa bansa sa anim na buwan ng 2018, Ayon sa Twitter.

Mga Kapamilya, Huwag na Huwag papalampasin ang nalalapit na pagtatapos ng BAGANI maraming pasabog at rebelasyon na mangyayari. 

During the Blog Presscon:

Sinabi nila Enrique at Liza na marami dapat abangan sa teleserye na to dahil ito daw yung project nila na talagang sobrang solid ng samahan nila sa SET lahat ng Cast dito ay para na nilang kapamilya. Bawat eksena daw dito sa Bagani talagang buwis buhay sila kaya yung nangyari sa kamay ni Liza na may sugat ay during shooting daw yun nangyari. Dapat talaga na maging passionate ka sa lahat ng ginagawa mo.

Dito din binunyag ng LIZQUEN na Mahal nila ang Isa`t at isa at after daw ng Bagani may bagong project na a-abangan sakanila na talagang ikakatuwa ng mga Supporters nila.

 

 

 

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button