Ang emosyonal na pagtatapos ng “Walang Hanggang Paalam”

Paulo at Angelica, gagawin ang lahat para mabuo ang pamilya sa "Walang Hanggang Paalam"

Sa nalalapit na pagtatapos ng “Walang Hanggang Paalam,” susuungin nina Emman (Paulo Avelino) at Celine (Angelica Panganiban) ang lahat ng balakid makapiling lang muli ang kanilang anak na si Robbie na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Matapos ang mga hamong sumubok sa kanila, buo na ang pag-ibig at tiwala nina Emman at Celine sa isa’t isa para magkasamang hanapin si Robbie, kahit wala pa silang kasiguruhan kung buhay pa nga ito.

Parehong aksyon at drama ang aabangan sa huling linggo ng serye sa nakatakdang paghaharap nina Emman at Leo (Tonton Gutierrez) pati nina Celine at Amelia (Cherry Pie Picache) sa kanya-kanya nilang pakikipaglaban para sa kanilang mga anak at pamilya.

Buhat ng labis na pagmamahal at kahibangan, sisiguradihun ni Anton (Zanjoe Marudo) na mapapakanya sa huli si Celine.

Sa kabila naman ng lahat ng ito, magiging kakampi nina Emman at Celine si Sam (Arci Muñoz) para pagbayarin ang magkapatid sa kanilang mga kasalanan.

Makakasama pa kaya nina Emman at Celine ang kanilang anak? Mapanagot na kaya ng batas sina Anton at Amelia?

Samantala, ibinahagi ng casts ang naging aral para sakanila ng kanilang karakter sa Walang Hanggang Paalam. “Not to be too greedy with power, with money. Lahat may hangganan at maging kuntento. It’s okay to fight for the things you love and to do everything for them pero laging may limitasyon,” sabi ni Cherry Pie Picache sa isang online media conference.

Ayon naman kay Paulo Avelino, hindi dapat sinusukuan ang pamilya na sinang-ayunan naman ni JC Santos. “‘Wag nating bitawan yung mga taong mahal natin, andyan lang sila lagi.”

Tulad ng nasabi ni Paulo, ang aral din ng karakter ni Angelica ay ang hindi pagsuko sa pamilya. Dagdag pa niya, “‘Wag mo ring itake for granted yung mga taong mahal mo.”

Panoorin ang “Against All Odds” finale ng “Walang Hanggang Paalam” ngayong linggo sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamila Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

Kristine Caudor

Writer, Correspondent | 19

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button