A2Z Channel 11 masasagap na sa digital TV box

Lalo pang lumawak ang misyon ng A2Z Channel 11 na magbigay ng inspirasyon at saya sa mga Pilipino ngayong mapapanood na ito sa digital TV! Ang A2Z Channel 11 ay masasagap na sa digital TV boxes sa Metro Manila, Bulacan, Batagas, Cavite, Laguna at Pampanga. Ang balita ay kinumpirma ni G. Sherwin Tugna, Chairman at President ng Zoe Broadcasting Network na may-ari ng A2Z Channel 11.

Ani ni G. Tugna, “Kami ay nagagalak na ibahagi na ang A2Z Channel 11 ay nasa digital TV na, matapos ang test broadcast na aming ginawa kamakailan.  Kapag mayroon kayong digital TV box, mapapanood ninyo ang aming mga programa ng mas malinaw ang audio at picture qualities.”

Para masagap ang A2Z sa inyong digital box, sundin ang mga sumusunod na hakbang: 1) Pindutin ang Scan sa remote control ng digital TV box, 2) Piliin ang “Yes” para magsimula ang auto-scan; 3) Pagkatapos mag-scan, piliin ang “OK.” 4) Hanapin ang A2Z sa lineup.

Mula nang mag-rebrand ang A2Z Channel 11 noong Oktubre, pinaigting ang mga palabas dito. Kabilang sa program lineup ang religious programs na “Bro. Eddie Classics,” “Jesus The Healer,” at “Jesus is Lord Sunday Worship and Healing Service;” ang hit animated series na “Flying House” at “Super Book;” maging ang variety shows, teleseryes, game shows, at talk shows ng ABS-CBN; educational shows ng Knowledge Channel; at blockbuster na pelikulang Tagalog at Tagalized foreign movies.

Para sa updates, i-like ang Official A2Z Facebook page www.facebook.com/OfficialA2ZPH/.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button