“THE KILLER BRIDE” TINUTUKAN NG MARAMI

Agad na humataw sa national TV ratings ang pilot episode ng pinakabagong Kapamilya serye na “The Killer Bride” sa pagpapakilala nito sa manonood kay Camila (Maja Salvador) at ng kanilang matamis ngunit masalimuot na pagmamahalan ni Vito (Geoff Eigenmann) noong Lunes (Agosto 12).

Nagkamit ito ng national TV rating na 23.1% kumpara sa 10.1% na nakuha ng “Love You Two,” ayon sa datos ng Kantar Media. Pinag-usapan din online ang pilot episode ng serye kaya nanguna sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag nito na #TheKillerBrideFirstDance.
Umani rin ang palabas ng magagandang komento mula sa mga manonood na hindi napigilang ibahagi ang kanilang papuri online.

Courtesy of ABS-CBN Entertainment

“My gosh! Maja Salvador’s acting was beyond amazing!
“Just watched the pilot episode of #TheKillerBride on @iwant. Grabe sobrang ganda at ang lakas pa ng chemistry nina Maja and Geoff.
“Yung first episode pa lang grabe na luha ko. Galing talaga ni Maja, tapos si Geoff grabe bagay talaga sa kanya ‘yung nga ganung character,” dagdag pa ni @ShielaLaLa02.

Panoorin ang “The Killer Bride” gabi-gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow lang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button