BEAUTICIANS, WAGI NG P1 MILYON JACKPOT SA “EVERYBODY, SING!”

Inulan ng swerte ang pagbabalik ng “Everybody, Sing!” dahil buena manong nasungkit ng songbayanan ng beauticians ang jackpot prize na isang milyong piso noong Sabado (Setyembre 24). 

Naka-ipon ng 80 segundo ang 50 player na beautician na nagamit nila sa jackpot round, kung saan nahulaan nila ang 10 titulo ng mga kantang pinatugtog ng bandang Six Part Invention.  

“Deserve niyo ‘yan sa dami ng mga buhay na pinapaganda ninyo, sa dami ng mga mukhang pinapaganda ninyo, at sa dami ng mga damdaming pinapaganda ninyo. Congratulations. Bawat isa sa inyo tatanggap ng P20,000,” ani Vice Ganda matapos ang makapigil-hiningang paghula ng songbayanan sa ika-10 kanta na “Mahal Na Kita.”

Sa pangalawang episode naman ng “Everybody, Sing!” noong Linggo (Setyembre 25), nagwagi ng P70,000 ang mall sales clerks sa “Everybody, Sing!” matapos nilang mahulaan ang pitong kanta sa jackpot round.

Samantala, nag-trending din nationwide sa Twitter ang community singing game show ni Vice Ganda sa pagbabalik nito noong weekend. Nakapagtala rin ito ng 111,966 at 139,668 concurrent views noong Sabado at Linggo.  

Orihinal na konsepto ng ABS-CBN ang community singing game show na “Everybody, Sing!” na naging nominado sa Venice TV Awards at Asian Academy Creative Awards noong 2021.  

Ngayong Sabado at Linggo (Oct 1-2), ang magiging songbayanan naman ay mga kusinero at kusinera at Quiapo vendors. Manalo kaya sila ng jackpot prize? Abangan sa “Everybody, Sing!” tuwing Sabado at Linggo, 7 pm (Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z), 9:30 pm (tuwing Sabado sa TV5), at 9 pm (tuwing Linggo sa TV5). Available rin ito sa iWantTFC, at TFC IPTV.  

Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para naman sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Back to top button